Pumunta sa nilalaman

BINAGO NG BIBLIYA ANG KANILANG BUHAY

Nakita Nila ang “Mamahaling Perlas”

Nakita Nila ang “Mamahaling Perlas”

 Itinuro ni Jesus na sosolusyunan ng Kaharian ng Diyos ang lahat ng problema ng tao. (Mateo 6:10) Sa Mateo 13:44-46, ibinigay niya ang dalawang sumusunod na ilustrasyon para ipakita kung gaano kahalaga ang katotohanan tungkol sa Kaharian ng Diyos:

  •   Habang nagtatrabaho sa bukid, di-sinasadyang natagpuan ng isang tao ang isang nakabaong kayamanan.

  •   Isang naglalakbay na negosyante ang naghahanap ng magandang klase ng mga perlas at natagpuan niya ang isang mamahaling perlas.

 Ipinagbili ng mga lalaking ito ang lahat ng mga pag-aari nila para mabili ang natagpuan nilang kayamanan. Ang mga lalaking ito ay lumalarawan sa mga taong itinuring na napakahalaga ng Kaharian kaya nagsakripisyo sila nang malaki para tumanggap ng mga pagpapala nito. (Lucas 18:29, 30) Sa video na ito, makikita ang kuwento ng dalawang tao na gaya ng mga lalaki sa ilustrasyon ni Jesus.