Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PATULOY NA MAGBANTAY!

Pag-atake ng Russia sa Ukraine

Pag-atake ng Russia sa Ukraine

 Noong umaga ng Pebrero 24, 2022, nagsimulang umatake ang militar ng Russia sa Ukraine sa kabila ng pagsisikap ng mga lider sa buong mundo na iwasan ang digmaan. Ano ang puwedeng maging epekto nito sa mundo? Ilang araw lang ang nakakaraan, sinabi ng secretary-general ng United Nations na si António Guterres: “Hindi natin lubos maisip kung gaano kalaking pinsala at pagdurusa ang idudulot ng alitang ito, at ang posibleng maging epekto nito sa seguridad ng mga bansa sa Europe at sa buong mundo.”

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa mga pangyayaring gaya nito?

  •   Inihula ni Jesu-Kristo na darating ang panahon na “maglalabanan ang mga bansa at mga kaharian.” (Mateo 24:7) Basahin ang artikulong “Ano ang Tanda ng ‘mga Huling Araw,’ o ‘Katapusan ng Panahon’?” para malaman kung paano ipinapakita ng Bibliya na ang mga digmaan sa ngayon ay katuparan ng inihula ni Jesus.

  •   Sa aklat ng Bibliya na Apocalipsis, ang digmaan ay inilarawan bilang isang mangangabayo na nakaupo sa “isang kabayong kulay-apoy” at sinabing ito ay ‘mag-aalis ng kapayapaan sa lupa.’ (Apocalipsis 6:4) Basahin ang artikulong “Ang Apat na Mangangabayo—Sino Sila?” para malaman kung paano natutupad sa panahon natin ang hulang ito tungkol sa digmaan.

  •   Inihula sa aklat ng Daniel na magkakaroon ng alitan sa pagitan ng “hari ng hilaga” at “hari ng timog.” (Daniel 11:25-45) Panoorin ang video na Natupad na Hula—Daniel Kabanata 11 para malaman kung bakit masasabing ang hari ng hilaga ay tumutukoy sa Russia at sa mga kaalyado nito. a

  •   May sinasabi rin ang aklat ng Apocalipsis na “digmaan ng dakilang araw ng Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat.” (Apocalipsis 16:14, 16) Hindi ito digmaan sa pagitan ng mga bansa gaya ng nakikita natin ngayon. Para sa higit pang impormasyon, basahin ang artikulong “Ano ang Digmaan ng Armagedon?

Bakit ka makakaasang bubuti rin ang kalagayan?

  •   Sinasabi ng Bibliya na ‘papatigilin ng Diyos ang mga digmaan sa buong lupa.’ (Awit 46:9) Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga pangako ng Diyos sa hinaharap, basahin ang artikulong “Makakaasa Ka sa Isang Magandang Kinabukasan.”

  •   Tinuruan ni Jesus ang mga tagasunod niya na ipanalanging dumating nawa ang Kaharian ng Diyos. (Mateo 6:9, 10) Ang Kahariang iyan ay isang gobyerno sa langit. Ito ang gagamitin ng Diyos para gawin ang kalooban niya sa lupa. Kasama sa kalooban ng Diyos na maging payapa ang buong mundo. Para malaman kung paano ka makikinabang sa Kahariang ito, panoorin ang video na Ano ang Kaharian ng Diyos?

 Mayroong mahigit 129,000 Saksi ni Jehova na nakatira sa Ukraine. Gaya ng mga Saksi sa iba’t ibang bansa, tinutularan nila si Jesus sa pagiging neutral sa politika at pagtangging sumali sa digmaan. (Juan 18:36) Sa buong mundo, patuloy na ipinapangaral ng mga Saksi ni Jehova ang ‘mabuting balita tungkol sa Kaharian’ bilang solusyon sa lahat ng problema ng tao, kasama na ang digmaan. (Mateo 24:14) Inaanyayahan ka naming kontakin kami para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga pag-asang sinasabi ng Bibliya.

a Para sa kumpletong paliwanag ng hulang ito, tingnan ang artikulong “Ang ‘Hari ng Hilaga’ sa Panahon ng Wakas” at “Sino ang ‘Hari ng Hilaga’ Ngayon?