Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

AWIT 88

Ipaalam Mo sa Akin ang Iyong mga Daan

Ipaalam Mo sa Akin ang Iyong mga Daan

(Awit 25:4)

  1. 1. Kami’y natitipon, Diyos na Jehova,

    Tinanggap ang ’yong paanyaya.

    Ang ’yong Salita, sa ami’y liwanag—

    Bukal ng ’yong turong sagana.

    (KORO)

    Ituro mo ang ’yong mga daan;

    Utos mo’y nais kong mapakinggan.

    Lalakad sa landas ng kat’wiran;

    Nalulugod sa ’yong kautusan.

  2. 2. Ang ’yong karunungan ay ’di maarok;

    Hatol mo ay may katiyakan.

    Ang ’yong Salita ay kahanga-hanga

    At mananatili kailanman.

    (KORO)

    Ituro mo ang ’yong mga daan;

    Utos mo’y nais kong mapakinggan.

    Lalakad sa landas ng kat’wiran;

    Nalulugod sa ’yong kautusan.