AWIT 45
“Ang Pagbubulay-bulay ng Aking Puso”
-
1. Ang mga binubulay ko
Na nagmula sa ’king puso,
Sana’y makalugod sa ’yo,
Nawa’y mapatibay ako.
’Pag ’di ako makatulog
At laging ’di mapalagay,
Ikaw ang iisipin ko
At mat’wid na mga bagay.
-
2. Mga bagay na malinis,
Anumang kaibig-ibig,
Ito’y magbibigay sa ’kin
Kapayapaan ng isip.
Ang ’yong mga kaisipan,
Halaga’y ’di matumbasan.
Mga salita mo sana’y
Laging laman ng isipan.
(Tingnan din ang Awit 49:3; 63:6; 139:17, 23; Fil. 4:7, 8; 1 Tim. 4:15.)