Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

AWIT 33

Ihagis Mo kay Jehova ang Iyong Pasanin

Ihagis Mo kay Jehova ang Iyong Pasanin

(Awit 55)

  1. 1. Pakisuyo, O Jehova,

    Lingkod mo sana’y dinggin.

    Kalooba’y nagdurusa;

    Tulungang huwag mangamba.

    (KORO)

    Ang pasanin mo’y ihagis

    kay Jehova at magtiwala.

    Aalalayan ka lagi

    at iingatan ka niya.

  2. 2. Kung pakpak taglay ko lamang,

    sa malayo’y lilipad,

    Nang panganib maiwasan,

    Upang ’di mapahamak.

    (KORO)

    Ang pasanin mo’y ihagis

    kay Jehova at magtiwala.

    Aalalayan ka lagi

    at iingatan ka niya.

  3. 3. Kapayapaan ng isip

    ay laan ni Jehova.

    Nar’yan siya para tumulong

    sa harap ng problema.

    (KORO)

    Ang pasanin mo’y ihagis

    kay Jehova at magtiwala.

    Aalalayan ka lagi

    at iingatan ka niya.

(Tingnan din ang Awit 22:5; 31:1-24.)