Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

AWIT 31

Lumakad na Kasama ng Ating Diyos

Lumakad na Kasama ng Ating Diyos

(Mikas 6:8)

  1. 1. Halina’t tayo’y lumakad

    Kasama ng ating Diyos.

    Ika’y umasa lagi sa kaniya.

    Siya ang iyong lapitan.

    Salita niya ay gawing gabay

    Upang ’di maligaw.

    Kamay mo’y hahawakan niya,

    Sundan siya bawat araw.

  2. 2. Maging banal sa paglakad

    Kasama ni Jehova.

    Laging isipin ang mga bagay

    na totoo’t dalisay.

    Palaging isaalang-alang

    Kaniyang kaisipan.

    Kahit sa anumang tukso,

    Makapaninindigan.

  3. 3. Anong ligayang lumakad

    Bilang kaibigan ng Diyos.

    Pasalamatan ang ’nilalaang

    regalo’t pagpapala.

    Puso mo ay may kagalakan;

    Umawit sa kaniya.

    At malalaman ng lahat,

    Ikaw ay kay Jehova.