Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

AWIT 19

Ang Hapunan ng Panginoon

Ang Hapunan ng Panginoon

(Mateo 26:26-30)

  1. 1. Jehova, Amang nasa langit,

    Ito ay sagradong gabi.

    Noo’y ’pinakita ang ’yong katarungan,

    Lakas, dunong, at pag-ibig.

    Kordero ng Paskuwa’y nagligtas,

    At bayan mo ay lumaya.

    Nang maglaon, dugo ni Kristo’y ’binuhos

    Bilang katuparan ng hula.

  2. 2. ’Pinaaalala sa amin

    ng tinapay at ng alak

    Halagang katumbas

    na binayaran mo,

    Inihandog ang ’yong Anak.

    Ito ay gabi ng Memoryal;

    Dapat na alalahanin.

    ’Yong Anak ay nagdusa

    at siya’y namatay,

    Nagsilbing pantubos sa amin.

  3. 3. Ngayon, kami ay natitipon,

    Tugon sa paanyaya mo.

    Upang purihin ka

    sa iyong pag-ibig

    At ngalan mo’y parangalan.

    Memoryal ay magpapatibay

    Sa aming puso’t isipan.

    At lalakad kami sa daan ni Jesus,

    Nang mabuhay magpakailanman.

(Tingnan din ang Luc. 22:14-20; 1 Cor. 11:23-26.)