AWIT 145
Ang Paraisong Pangako ng Diyos
-
1. Paraiso, Diyos ang nangako,
Matutupad buong mundo.
Wala na ro’n ang kasalanan,
Pagluha at kamatayan.
(KORO)
Ang pangakong Paraiso,
Inaasam sa ’ting puso;
Sa lupa ay magaganap,
Anak ng Diyos ang tutupad.
-
2. Sa lupa, Diyos ay may layunin—
Mga patay bubuhayin.
‘Kasama ka sa Paraiso,’
Pangako ni Jesu-Kristo.
(KORO)
Ang pangakong Paraiso,
Inaasam sa ’ting puso;
Sa lupa ay magaganap,
Anak ng Diyos ang tutupad.
-
3. Ang nangako ng Paraiso,
Naghahari na sa mundo.
Salamat sa Diyos na Jehova,
Mag-awitan, purihin siya.
(KORO)
Ang pangakong Paraiso,
Inaasam sa ’ting puso;
Sa lupa ay magaganap,
Anak ng Diyos ang tutupad.
(Tingnan din ang Mat. 5:5; 6:10; Juan 5:28, 29.)