Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

AWIT 125

“Maligaya ang mga Maawain”

“Maligaya ang mga Maawain”

(Mateo 5:7)

  1. 1. Maawain si Jehova.

    Siya ay Diyos na maligaya.

    Nalulugod siyang ilaan

    ang ating pangangailangan.

    Pagsusumamo’y diringgin

    kung pagsisisi’y taimtim.

    Alam niyang tayo’y alabok;

    Awa niya’y iniaalok.

  2. 2. Kapag tayo’y nagkasala,

    Hangad natin ay awa niya.

    Turo ni Kristo sa atin,

    Dapat maging maawain.

    Upang tayo’y patawarin,

    Maging mapagpatawad din.

    Huwag tayong maghinanakit

    nang pumayapa ang isip.

  3. 3. Kapag tayo’y nagbibigay,

    Walang ganting hinihintay.

    Papuri ay hindi hangad,

    ’Pag nagbigay nang may galak.

    Ating gawang mabubuti,

    Si Jehova ang gaganti.

    Maawai’y maligaya,

    Mahal sila ni Jehova.

(Tingnan din ang Mat. 6:2-4, 12-14.)