Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

AWIT 123

Magpasakop sa Teokratikong Kaayusan

Magpasakop sa Teokratikong Kaayusan

(1 Corinto 14:33)

  1. 1. Habang bayan ng Diyos ay nangangaral

    Tungkol sa Kahariang minamahal,

    Ang kaayusan niya’y dapat na sundin,

    Pagkakaisa ay panatilihin.

    (KORO)

    Pagpapasakop at katapatan,

    Sa Diyos ay ilaan.

    Maibigin siya, mapagkalinga.

    Tayo ay iingatan.

  2. 2. Katiwala ng Diyos ang ating gabay,

    At espiritu niya sa ’ti’y aakay.

    Maging matatag nang lingap niya’y kamtin.

    Ihayag natin ang kaniyang layunin!

    (KORO)

    Pagpapasakop at katapatan,

    Sa Diyos ay ilaan.

    Maibigin siya, mapagkalinga.

    Tayo ay iingatan.

(Tingnan din ang Luc. 12:42; Heb. 13:7, 17.)