Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ito’y Nalalapit Na

Ito’y Nalalapit Na

I-download:

  1. 1. Huni ng ibo’y pakinggan,

    Langit ay ’yong pagmasdan.

    Saanma’y punô ng buhay

    Dito sa lupang Paraiso.

    ’Di makapaniwala

    Sa iyong nakikita.

    Na parang kahapon lang,

    Ito’y nalalapit na.

  2. 2. Ang lahat ay may tahanan,

    Tahimik at tiwasay.

    Maligayang sama-sama

    Habang sagana ating buhay.

    Ito’y ating pangarap,

    Matagal nang hinintay.

    Ngunit kahapon lang ay

    Ito’y nalalapit na.

    (BRIDGE)

    At palagi, ibahagi

    Ang pag-asa sa ’yong puso.

    Bawat luha, napawi na,

    Nanariwa buong mundo.

  3. 3. Ang tinig ng kasayahan

    Ng mahal mo sa buhay.

    Kanilang pinapurihan,

    Kay Jehova ay inialay.

    Ang lahat ng pagpapala

    Kay Jehova nagmula.

    Na wari’y kahapon lang,

    Ito’y nalalapit na.

    (BRIDGE)

    Bawat araw, tinatanaw,

    Inaasam ang ’yong ngiti.

    ’Pagkat mithi ko palagi,

    Ikaw ay mayakap muli.

  4. 4. ’Di magtatagal na

    Ang bagong sanlibutan.

    Pangako ’yan ni Jehova

    At wala ngang makahahadlang.

    At ito ay kaaliwan

    Na isipin ang tunay.

    Darating na ang araw,

    Ito ay nalalapit na.