Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ruth—Tunay na Kaibigan

Ruth—Tunay na Kaibigan

I-download:

  1. 1. Nang mabiyuda si Noemi

    At nangungulila,

    Inalagaan siya ni Ruth

    At dinamayan siya.

    Si Ruth ay kaibigang

    Tapat at maaasahan.

    Nangako pa si Ruth:

    ‘’Di kita iiwan.’

    ‘’Di kita iiwan.’

  2. 2. At naglingkod silang dal’wa

    Na magkasama.

    Pinagpala ni Jehova

    Ang buhay nila.

    Tunay na pagkakaibigan

    Na dapat nating tularan.

    O aking kaibigan,

    ’Di kita iiwan.

  3. 3. ’Pag may problema,

    Nandito ako

    Na tutulong sa ’yo.

    Ako ay laging asahan,

    Magiging sandalan—

    Kaibigang tunay.

    ’Di kita iiwan.

    ’Di kita iiwan.