Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

May Nagdisenyo ba Nito?

Ang Tuka ng Kingfisher

Ang Tuka ng Kingfisher

● Sa bilis na halos 300 kilometro bawat oras, ang bullet train ng Hapon ang isa sa pinakamabilis na tren sa buong daigdig. Pero masasabing utang nito ang kaniyang bilis sa isang maliit na ibon​—ang kingfisher. Bakit?

Pag-isipan ito: Kapag bumubulusok sa tubig ang kingfisher para kumuha ng masarap na pagkain, halos hindi tumitilamsik ang tubig. Manghang-mangha rito si Eiji Nakatsu, isang inhinyerong nangasiwa sa mga test run ng bullet train, at palaisipan sa kaniya kung paano ito nagagawa ng kingfisher. Kapag nalaman nila ang sekreto ng kingfisher, malulutas ang problema nila sa bullet train. “Kapag ang tren ay pumapasok sa isang tunel nang napakabilis,” ang paliwanag ni Nakatsu, “lumilikha ito ng mga atmospheric pressure wave na unti-unting lumalaki hanggang sa maging tulad ng mga tidal wave. Ang mga wave na ito ay lumalabas sa tunel sa bilis ng tunog, anupat may nabubuong mga low-frequency wave na lumilikha ng ugong at pagyanig na sobrang lakas. Kaya naman inirereklamo ito ng mga residente sa lugar na 400 metro [1,300 piye] ang layo sa riles.”

Ang pasiya? Itulad sa tuka ng kingfisher ang nguso ng bullet train. Ang resulta? Ang bullet train ay bumilis nang 10 porsiyento at bumaba nang 15 porsiyento ang konsumo nito ng enerhiya. Bukod diyan, nabawasan nang 30 porsiyento ang presyon sa hangin na nalilikha ng tren. Wala na ngayong malakas na ugong kapag dumaraan sa tunel ang tren.

Ano sa palagay mo? Nagkataon lang bang lumitaw ang tuka ng kingfisher? O may nagdisenyo nito?

[Picture Credit Lines sa pahina 29]

Kingfisher diving: Woodfall/Photoshot; bullet train: AP Photo/Kyodo