Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Magtiwala kay Jehova Kapag Gumagawa ng mga Desisyon

Magtiwala kay Jehova Kapag Gumagawa ng mga Desisyon

Kailangan nating gumawa ng mga desisyon araw-araw. Kapag nagdedesisyon ang mga tao sa ngayon, madalas na ginagawa lang nila kung ano ang gusto nila o kaya naman, sumusunod sila sa karamihan. (Exo 23:2; Kaw 28:26) Pero ang mga nagtitiwala kay Jehova, ‘isinasaisip siya’ at nagdedesisyon gamit ang mga prinsipyo sa Bibliya.​—Kaw 3:5, 6.

Mag-isip ng sitwasyon kung saan makakatulong ang sumusunod na mga teksto para makagawa ng tamang desisyon.

PANOORIN ANG VIDEO NA TULARAN ANG MAY PANANAMPALATAYA, HINDI ANG MGA WALA NITO—SI MOISES, HINDI ANG PARAON. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG TANONG NA ITO:

Paano nakatulong sa brother ang halimbawa sa Bibliya para makagawa siya ng magandang desisyon?