Isaias 34:1-17

34  Kayong mga bansa, lumapit kayo para makinig,At kayong mga bayan, magbigay-pansin kayo. Makinig ang lupa at ang lahat ng naririto,Ang lupain at ang lahat ng bunga nito.   Dahil galit si Jehova sa lahat ng bansa,+At napopoot siya sa buong hukbo nila.+ Pupuksain niya sila;Lilipulin niya sila.+   Ang mga mapapatay sa kanila ay itatapon,At aalingasaw ang mga bangkay nila;+Matutunaw ang mga bundok dahil sa dugo nila.*+   Ang buong hukbo ng langit ay mabubulok,At ang langit ay irorolyong gaya ng balumbon. Ang buong hukbo nila ay matutuyot at malalagas,Gaya ng paglaglag ng tuyong dahon mula sa punong ubasAt ng nanguluntoy na igos mula sa puno ng igos.   “Dahil sa langit ay mababasâ ang espada ko.+ Bababa ito sa Edom para maglapat ng hatol,+Sa bayan na ipinasiya kong puksain.   Si Jehova ay may espada; mapupuno iyon ng dugo. Mababalot iyon ng taba,+Ng dugo ng mga batang tupa at mga kambing,Ng taba ng bato ng mga lalaking tupa. Dahil si Jehova ay maghahain sa Bozra,Isang malawakang paglipol sa lupain ng Edom.+   Ang mga torong-gubat ay bababang kasama nila,Ang mga batang toro pati ang malalakas. Ang lupain nila ay mapupuno ng dugo,At ang alabok nito ay mabababad sa taba.”   Dahil si Jehova ay may araw ng paghihiganti,+Isang taon ng paghihiganti para sa legal na usapin tungkol sa Sion.+   Ang mga ilog niya* ay magiging alkitran,*At ang alabok niya ay magiging asupre,At ang lupain niya ay magiging gaya ng nasusunog na alkitran. 10  Araw at gabi, hindi ito mamamatay;Patuloy na paiilanlang ang usok nito magpakailanman. Mananatili siyang wasak sa paglipas ng mga henerasyon;Walang sinumang dadaan sa kaniya magpakailanman.+ 11  Magiging pag-aari siya ng pelikano at porcupino,At titira sa kaniya ang mga kuwago* at uwak. Susukatin niya siya gamit ang pising panukat ng kawalang-lamanAt ang hulog* ng pagkatiwangwang. 12  Walang sinuman sa mga maharlika niya ang maghahari,At ang lahat ng pinuno niya ay maglalaho. 13  Tutubuan ng tinik ang matitibay niyang tore,Ng mga kulitis at matitinik na panirang-damo ang mga tanggulan niya. Siya ay magiging tirahan ng mga chakal,+Pugad ng mga avestruz.* 14  Magtitipon ang mga hayop sa disyerto at ang umaalulong na mga hayop,At tatawagin ng mailap na kambing* ang kasama niya. Oo, doon titira at magpapahinga ang panggabing ibon.* 15  Doon mamumugad at mangingitlog ang ahas-palaso,At mapipisa ang mga itlog at titipunin niya ang mga iyon sa lilim niya. Oo, doon magtitipon ang mga lawin, kasama ang mga kapareha nila. 16  Hanapin ninyo sa aklat ni Jehova at basahin ito nang malakas: Walang isa man sa kanila ang mawawala;Walang isa man ang mawawalan ng kapareha,Dahil si Jehova mismo ang nag-utos,At ang espiritu niya ang nagtipon sa kanila. 17  Siya ang nagtakda ng magiging bahagi nila,At ang kamay niya mismo ang sumukat ng kani-kanilang puwesto.* Magiging kanila iyon magpakailanman;Titira sila roon sa lahat ng henerasyon.

Talababa

O “Aagos sa mga bundok ang dugo nila.”
Lumilitaw na tumutukoy sa Bozra, ang kabisera ng Edom.
Malapot at itim na likidong puwedeng gamitin para hindi makatagos ang tubig.
O “kuwagong may mahahabang tainga.”
Lit., “mga bato.” Instrumentong ibinibitin para matiyak na tuwid ang pagkakatayo ng isang istraktura.
Sa Ingles, ostrich.
O posibleng “ng hugis-kambing na demonyo.”
Ibon na parang kuwago.
Lit., “ang naghati-hati nito para sa kanila gamit ang pising panukat.”

Study Notes

Media