Ang Awit ni Solomon 7:1-13
7 “Napakaganda ng mga paa mo sa iyong mga sandalyas,O kapuri-puring dalaga!
Ang hugis ng mga hita mo ay gaya ng mga palamutiNa gawa ng dalubhasang manggagawa.
2 Ang pusod mo ay isang bilog na mangkok.
Huwag nawa itong maubusan ng tinimplahang alak.
Ang tiyan mo ay isang bunton ng trigo,Na napapalibutan ng mga liryo.*
3 Ang iyong dibdib* ay gaya ng kambalNa anak ng isang gasela.*+
4 Ang leeg mo+ ay gaya ng toreng garing.*+
Ang mga mata mo+ ay gaya ng mga imbakan ng tubig sa Hesbon,+Na nasa tabi ng pintuang-daan ng Bat-rabim.
Ang ilong mo ay gaya ng tore ng Lebanon,Na nakatanaw sa Damasco.
5 Ang ulo mo ay gaya ng Carmel,+At ang buhok* mo+ ay gaya ng purpurang lana.+
Ang hari ay nabighani sa* nakalugay mong buhok.
6 Napakaganda mo, at talagang kaakit-akit ka;O mahal kong babae, walang katulad ang ibinibigay mong saya!
7 Ang tindig mo ay gaya ng puno ng palma,At ang dibdib* mo ay gaya ng mga kumpol ng datiles.+
8 Sinabi ko, ‘Aakyat ako sa puno ng palmaPara mahawakan ang mga kumpol ng bunga nito.’
Ang dibdib* mo ay maging gaya nawa ng mga kumpol ng ubas,At ang hininga mo ay maging kasimbango ng mansanas,
9 At ang bibig* mo ay maging gaya ng pinakamagandang klase ng alak.”
“Humagod nawa ito nang suwabe para sa sinta koAt unti-unting dumampi sa mga labi ng natutulog.
10 Ako ay sa sinta ko,+At ako ang hinahanap-hanap niya.
11 Halika, O sinta ko,Pumunta tayo sa parang;Magpahinga tayo sa mga halamang henna.+
12 Bumangon tayo nang maaga at magpunta sa mga ubasanPara tingnan kung sumibol* na ang punong ubas,Kung namukadkad na ang mga bulaklak,+Kung namulaklak na ang mga puno ng granada.*+
Doon ko ipapakita ang pagmamahal ko sa iyo.+
13 Nalalanghap na ang bango ng mga mandragoras;+Nasa mga pintuan natin ang iba’t ibang klase ng piling mga bunga.+
Ang mga bagong-pitas at mga pinatuyo*Ay itinabi ko para sa iyo, O sinta ko.
Talababa
^ Isang uri ng bulaklak.
^ O “dalawang suso.”
^ Isang hayop na parang usa.
^ Sa Ingles, ivory.
^ O “nabihag ng.”
^ Lit., “ulo.”
^ O “mga suso.”
^ O “mga suso.”
^ Lit., “ngalangala.”
^ O “namulaklak.”
^ Lit., “luma.”