Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

ARALIN 5

Tumpak na Pagbabasa

Tumpak na Pagbabasa

1 Timoteo 4:13

KUNG ANO ANG GAGAWIN: Basahin nang malakas at eksakto kung ano ang nasa pahina.

KUNG PAANO ITO GAGAWIN:

  • Maghandang mabuti. Isipin kung bakit isinulat ang babasahin mo. Magpraktis magbasa nang may tamang paggugrupo-grupo ng mga salita, at huwag lang magpokus sa indibidwal na mga salita. Tiyaking wala kang naidaragdag, nalalaktawan, o napapalitang salita. Sundin ang lahat ng bantas.

  • Bigkasin nang tama ang bawat salita. Kung hindi mo alam ang bigkas sa isang salita, tingnan iyon sa diksyunaryo, makinig sa audio recording ng publikasyon, o magpatulong sa mahusay magbasa.

  • Magsalita nang malinaw. Bigkasing mabuti ang mga salita, ibukang mabuti ang bibig, at huwag yumuko. Sikaping bigkasin ang bawat pantig.