Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mabuting Halimbawa​—Lydia

Mabuting Halimbawa​—Lydia

Mabuting Halimbawa​—Lydia

Bagaman baguhan siyang alagad, nagkusa si Lydia na magpakita ng pagkamapagpatuloy kay Pablo at sa kaniyang mga kasama. (Gawa 16:14, 15) Dahil dito, nagkapribilehiyo siyang makahalubilo ang mga alagad na ito. Matapos makalaya sa bilangguan sina Pablo at Silas, saan sila nagpunta? Dumeretso sila sa bahay ni Lydia!​—Gawa 16:40.

Gaya ni Lydia, puwede kayang ikaw ang maunang makipagkaibigan? Paano mo gagawin ito? Magsimula sa simpleng pamamaraan. Paisa-isang tao muna ang kausapin. Maaari mong gawing tunguhin na makipag-usap sa isang indibiduwal tuwing dadalo ka sa pulong ng kongregasyon. Ngumiti. Kung hindi mo alam ang sasabihin mo, magtanong o magkuwento tungkol sa iyong sarili. Makinig na mabuti. Sa kalaunan, hindi ka na masyadong mahihiya at mas marami ka nang maikukuwento. Karaniwan na, gusto ng mga tao ang tapat at mabait makipag-usap. (Kawikaan 16:24) Dahil palakaibigan at mapagpatuloy si Lydia, nagkaroon siya ng mabubuting kaibigan. Kung tutularan mo siya, magkakaroon ka rin ng mabubuting kaibigan!