AGOSTO 23, 2019
UNITED STATES
St. Louis, United States—“Ang Pag-ibig ay Hindi Kailanman Nabibigo”! 2019 Internasyonal na Kombensiyon
Petsa: Agosto 16-18, 2019
Lokasyon: The Dome at America’s Center sa St. Louis, Missouri, United States
Wika ng Programa: English, Croatian
Pinakamataas na Bilang ng Dumalo: 28,122
Bilang ng Nabautismuhan: 224
Bilang ng Delegado Mula sa Ibang Bansa: 5,000
Mga Sangay na Imbitado: Argentina, Australasia, Britain, Canada, Central Europe, Colombia, Croatia, Czech-Slovak, Finland, France, Japan, Pilipinas, Poland, Portugal, Scandinavia, Serbia, South Africa
Karanasan: Sinabi ni Martin Gulley, external communications manager ng Metrolink: “Madaling sabihin na mahal mo ang isang tao o isang bagay. Pero hangga’t hindi mo ’yon ipinapakita sa gawa, hindi ’yon totoong pag-ibig. Makikita sa gawa ang pag-ibig ninyo. Mapagpakumbaba kayo. ’Yan kasi talaga ang epekto ng pag-ibig sa mga tao, nagiging mapagpakumbaba sila, hindi mayabang. Alam ng mga tao na nagtatrabaho ako sa Metrolink dahil sa ID ko, pero alam ng mga tao na Saksi ni Jehova kayo dahil sa pag-ibig.”
Sinabi naman ni Jerry Vallely, external communications manager ng Bi-State Development (isang kompanya na nakapokus sa pagpapaunlad ng ekonomiya sa St. Louis): “Hindi lang basta pag-oorganisa ang nasa isip ninyo. Iniisip n’yo ang kapakanan ng mga tao; kaibigan n’yo man sila na pupunta dito, o mga empleado sa gobyerno na nakakatrabaho ninyo, o kami na taga-Metrolink. May concern kayo sa kanila at iniisip ninyo kung paano magiging mas madali ang trabaho at masaya para sa lahat ang event na ito.”
Mga kapatid na naghihintay sa mga delegado sa St. Louis Lambert International Airport
Mga delegado na nakikibahagi sa cart witnessing kasama ng mga kapatid sa St. Louis
Bago magsimula ang kombensiyon, nililinis ng mga kapatid ang venue na kilala sa tawag na “The Dome”
Tatlo sa 224 na binautismuhan
Si Brother David Splane, miyembro ng Lupong Tagapamahala, sa huling pahayag sa ikatlong araw ng kombensiyon
Nakangiti ang mga delegado habang nakikinig sa programa
Araw ng Linggo, kumakaway sa mga dumalo ang mga nasa pantanging buong-panahong paglilingkod na naatasan sa ibang bansa
Nagpapalitrato ang mga delegado kasama ng mga kapatid na tagaroon
Tuwang-tuwa ang mga delegado habang pinapanood ang mga hayop sa Saint Louis Zoo
Nakatingin ang mga delegado sa Bibliya, na unang edisyon ng 1611 King James Version. Nakabukas ito sa Awit 83:18 at nakadispley sa St. Louis Public Library. Binuksan talaga ng library ang Bibliya sa tekstong ito dahil sa dadalaw na mga delegado
Mga batang kumakanta sa evening gathering