Pumunta sa nilalaman

DISYEMBRE 14, 2021
UNITED STATES

Matinding Pinsala ang Iniwan ng Malakas na Buhawi sa United States

Matinding Pinsala ang Iniwan ng Malakas na Buhawi sa United States

Mula noong Disyembre 10, 2021, dinaanan ng sunod-sunod na buhawi ang walong estado sa timog at gitnang kanluran ng United States. May isang buhawi pa nga na nag-iwan ng pinsala sa mga 402 kilometrong dinaanan nito. Kaya maraming tao ang namatay at maraming bahay at gusali ang nasira. Pinakagrabeng napinsala ang estado ng Kentucky.

Epekto sa mga Kapatid

  • Walang kapatid ang nasaktan o namatay

  • 31 kapatid ang lumikas

  • 10 bahay ang bahagyang nasira

  • 3 bahay ang lubhang nasira

  • 9 na bahay ang sirang-sira

Relief Work

  • Dinalaw at pinatibay ng mga tagapangasiwa ng sirkito at lokal na mga elder ang naapektuhang mga pamilya

  • Sinunod ng lahat ng tumulong ang safety protocol para sa COVID-19

Makatitiyak tayo sa magiliw na malasakit ni Jehova sa mga kapatid nating nahihirapan dahil sa likas na mga sakuna.—Isaias 63:9.