Pumunta sa nilalaman

MAYO 15, 2023
RWANDA

Binaha at Nagkaroon ng mga Landslide sa Western Rwanda Dahil sa Malakas na Pag-ulan

Binaha at Nagkaroon ng mga Landslide sa Western Rwanda Dahil sa Malakas na Pag-ulan

Noong Mayo 2 at 3, 2023, binaha at nagkaroon ng mga landslide sa Western Rwanda dahil sa malakas na buhos ng ulan. Mahigit 130 katao ang namatay at libo-libo ang lumikas. Nasira ang mga pananim, bahay, tulay, at daan dahil sa baha at mga landslide.

Epekto sa mga Kapatid

  • Walang kapatid na namatay o nasugatan

  • 51 bahay ang nawasak

  • 43 bahay ang matinding napinsala

  • 2 Kingdom Hall ang bahagyang napinsala

Relief Work

  • 3 Disaster Relief Committee ang inatasang mag-organisa ng relief work at magbigay ng praktikal na tulong

  • Pinapatibay ng mga miyembro ng Komite ng Sangay, mga tagapangasiwa ng sirkito, at lokal na mga elder ang mga nakatira sa apektadong mga lugar

Dalangin namin na patuloy na tulungan ni Jehova ang ating mga kapatid sa Rwanda na dumaranas ng “mga problema.”​—Awit 46:1.