Pumunta sa nilalaman

SETYEMBRE 16, 2021
BALITA SA BUONG DAIGDIG

Magagandang Resulta ng mga Artikulo sa Home Page ng JW.ORG

Magagandang Resulta ng mga Artikulo sa Home Page ng JW.ORG

Ginagamit ng ating mga kapatid sa buong daigdig sa ministeryo nila at personal study ang mga artikulong na-feature sa home page ng jw.org. Napakarami nitong magagandang resulta, gaya ng ipinapakita ng sumusunod na mga karanasan.

Noong mga unang buwan ng pandemic, iniulat ng isang tagapangasiwa ng sirkito sa Canada na ginamit sa ministeryo ng halos 75 porsiyento ng mga kapatid sa sirkito niya ang artikulong “Positibo Kahit Nag-iisa—Paano?” Halimbawa, ipinadala ng isang sister ang link ng artikulong ito sa anim na katrabaho niya. Nagpasalamat ang ilan sa ipinadala niyang link.

Isang sister sa Togo na naglilingkod din sa gawaing pansirkito kasama ng kaniyang asawa ang nagpadala ng link ng artikulong “Ang Apat na Mangangabayo ng Apocalipsis” sa mga kamag-anak niya at kakilala. Dahil dito, pito na ang Bible study niya.

Dahil sa COVID-19 pandemic, videoconference na ang ginagamit sa pag-aaral ng mga estudyante sa ilang bansa. Nagpapasalamat ang isang sister na taga-Scandinavia sa artikulo kamakailan na “Pag-aaral Kahit Wala sa School—Paano?” kasi may mga mungkahi rito para sa mga estudyanteng nag-aaral online. Sinabi ng ating sister: “Hindi ako makahabol sa mga assignment ko sa school, pagkatapos dumating ang artikulong ito. Nakatulong sa akin ang mga mungkahi rito.”

Mahigit 1,600,000 ang nagpupunta sa home page ng jw.org araw-araw.

Nagpapasalamat tayo kay Jehova para sa mga artikulong ito na tumutulong sa atin sa personal study natin at para ‘lubusan nating maisagawa ang ating ministeryo.’—2 Timoteo 4:5.