Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova na nangangaral ng mabuting balita sa Union Cycliste Internationale Road World Championships sa Australia

PEBRERO 3, 2023
AUSTRALIA

Agaw-Pansin ang Public Witnessing sa Isang International Event sa Australia

Agaw-Pansin ang Public Witnessing sa Isang International Event sa Australia

Mga 300 Saksi ni Jehova sa Australia ang nakibahagi sa public witnessing sa Wollongong, Australia, sa Union Cycliste Internationale Road World Championships na ginanap noong Setyembre 18-25, 2022. Mahigit 200,000 bisita mula sa mahigit 70 bansa ang dumadalo sa kompetisyong ito taon-taon.

Namahagi ang mga kapatid ng mahigit 600 literatura at tinulungan nila ang marami na mag-download ng mga publikasyon sa napili nilang wika. Tumanggap din ang mga kapatid ng 18 request para sa Bible study. Mula noong Setyembre, lima sa mga nag-request ang regular nang dumadalo sa mga pulong. Sinabi ng isang brother: “Talagang pinagpapala ni Jehova ang pagsisikap ng lahat ng kapatid na tumulong.” Sinabi ng isa pang mamamahayag: “Napakasaya ng mga kapatid. Umuwi akong may napakagandang mga alaala, at mas napasigla akong mangaral.”

Nakikipagsaya tayo sa mga kapatid natin sa Australia habang masaya nilang ‘ipinaaalam ang kadakilaan ng ating Diyos!’—Deuteronomio 32:3.